Tuesday, November 9, 2010

Pagbabago ang Kailangan

                                                                                                                                              EF10
                                                    Pagbabago ang Kailangan
                May napapansin ka ba sa iyong paligid? May nakikita ka bang puno? Tumingin ka sa kaliwa at sa kanan. Ano ang nakikita mo ngayon? Mga gusali hindi ba? Tumingin ka ulit sa iyong paligid. Ano ang nakikita mo? Mga basura hindi ba? Mga ilog na madumi at mga sasakyan na naglalabas ng usok na sumisira sa "ozone layer" hindi ba? Naniniwala ka ba na kahit ang kabataan ay may magagawa rin sa mga baha at marami pang sakuna na nangyayari dahil sa mga problemang nasa itaas? Naniniwala ako na kahit na mga batang katulad ko ay maraming maitutulong sa pagdating ng mga sakuna.

                     Ayon sa http://www.google.com.ph/ nangunguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na pinakamadalas na tinamaan ng natural na sakuna noong 2009. Tinamaan ang Pilipinas ng 26 na natural na sakuna noong nakaraang taon na nabatay sa rekord ng Centre for research on the Epidemiology of Disasters (CRED). Isa na dito ang Bagyong Pepeng na tumama sa iba't-ibang panig ng bansa. Naitala ang bagyong ito na maraming naitalang biglang ng mga namatay, nawalan ng tirahan, at sumira sa mga palayan.
Iisa lang ang tanong ko... Hahayaan mo pa ba itong mangyari?

                    Bilang isang bata maaari akong magtanim ng puno upang maiwasan ang mga baha. Ating isipin na ang katumbas ng isang puno ay isang buhay. Isang buhay na nagbibigay ng bagong pag-asa para sa ating lahat. Isang puno na nakatayo ng natuwid. Hindi mabubuhal. At kumakapit sa lupa at sumisipsip ng tibig upang maiwasan ang mga paguho ng lupa
           Tingnan ang buong laki ng larawan    
                    
        Simula ngayon, dapat nating itapon ang ating mga basura sa mga dapat na pagtapunan. Kung may nakita tayong nagtatapon ng basura sa ating mga kanal, ilog at sapa, isuplong natin sila sa mga kinauukulan. Kapag hindi nakinig ang mga kinauukulan sa ating sumbong, lumapit na tayo sa media. Maraming mga programa sa radyo at telebisyon na tumatanggap ng reklamo laban sa mga opisyal na nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin. Isuplong din natin ang mga taong nagpuputol ng mga punongkahoy sa ating mga kagubatan at kabundukan sa ating mga kanal, ilog at sapa, isuplong natin sila sa mga kinauukulan. Kapag hindi nakinig ang mga kinauukulan sa ating sumbong, lumapit na tayo sa media. Maraming mga programa sa radyo at telebisyon na tumatanggap ng reklamo laban sa mga opisyal na nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin. Isuplong din natin ang mga taong nagpuputol ng mga punongkahoy sa ating mga kagubatan at kabundukan.
                                 Inang kalikasan, huwag mo muna kaming iwanan. Alam namin na ito na ang iyong ganti sa aming mga nagawang kasalanan. Tao lang kami. Nagkakamali...

                                Sino pa ba ang kikilos? Tara na! Tayo ay magkapit-bisig! Meron pa tayong pag-asa. May bukas pa tayong daratnan...

Reference:
google.com 





                                

                   

                                                      
                                                      

No comments:

Post a Comment