Tuesday, November 9, 2010

KAYA NATIN 'TO!

EF1-
Kaya kong maging bata,maging manunulat at maging tagapagligtas niyo.
     Napakarami nang dumating na  sakuna sa ating bansa.Marami na rin ang napahamak at binawian ng buhay.Sa kabila ng mga ito nariyan pa rin ang mga taong handang tumulong sa mga nangangailangan.Sila na handang magbuwis ng buhay.Hindi rin sila nagdadalawang-isip na maghandog ng tulong.Ngunit paano na tayo kung mawala sila?
      Narito naman tayo 'di ba?

      Tayong mga batang manunulat.Sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga dokumentaryong tumatalakay sa kahandaan sa mga sakuna maaari tayong makatulong.Maaari rin nating banggitin sa kanila na palaging mag-iingat upang maiwasan ang ano mang uri ng trahedya.Ang paglikas sa mga ligtas na lugar ay isa ring mabisang paraan.Maaari din nating ilagay ang ating mga kagamitan sa matataas na lugar upang maiwasang mabasa,madumihan at masira ang mga ito kung naulanigang may padating na bagyo.
        Hindi lang bagyo ang maaaring bumisita sa ating bansa,malay ba natin kung naisipang magtungo ng isang lindol dito.Ang paglalagay ng ating mga kamay sa ating mga ulo ay mabisang paraan upang hindi tayo malaglagan ng mga nakadidisgrasyang bagay.Maging kampante lamang tayo kung nakararamdam tayo ng takot.Huwag tayong magpadala sa tukso nito.Isipin nating nariyan ang Diyos upang tulungan tayo.Siya na pinakamakapangyarihan sa lahat.Pananampalataya at dasal ang pinakamatindi nating panangga.Ngunit
huwag na huwag natin itong aabusuhin sapagkat nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
       Kagaya ng iba,ako'y isa ring bata,isa ring manunulat at naghahangad na mailigtas ang bawat isa sa anumang uri ng kalamidad.Sana sa pamamagitan ng ilang payong ito ay makaiwas tayo hindi sa bagyo at lindol kundi pati na rin sa iba pang mga kalamidad.

1 comment:

  1. Lucky 15 Casino - JTM Hub
    Lucky 15 Casino. Lucky 15 is a new gaming platform established in 대전광역 출장안마 2017. 거제 출장안마 We want to show you how 인천광역 출장샵 our casinos can 전라남도 출장안마 be 아산 출장샵 successful. Click here to start to

    ReplyDelete