Tuesday, November 9, 2010

BOLPEN, HANDA KA NA BA?

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                               EF7
                                            BOLPEN, HANDA KA NA BA? 


     

            Pluma-ang sandatang panlaban ng mga manunulat. Ito ang kagamitang nagbibigay buhay sa mga lathalain o babasahin. Isang instrumentong kanilang pinapakaingat-ingatan. Ang materyal na tumutulong na makamit ang mapayapang bukas at mas progresibong hinaharap.

           Sa panahon ngayon, uso na ang mga sakunang nagaganap sa loob at labas ng ating bansa. Ayon sa www.wikipedia.org ang isa sa mga hindi malilimutang bagyong wumasak sa ating bansa ay ang bagyong Ondoy noong Setyembre 26, 2009 na kumikil at umagaw sa pagkakataong mabuhay ng libu-libong katao. Kaya naman nagkakapit-kapit bisig ang mga manunulat upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang sambayanang Pilipino.

     Madami na ngayong nililimbag na lathalain at babasahin na naglalahad ng impormasyon at nagpapabatid. Samantalang ang ibang artikulo nama'y nakapupukaw ng damdamin. Mayroon ding nagbibigay ng payo at "tips" na nakatutulong sa paghahanda tuwing may sakuna. Ngunit sino nga ba ang lumilikha nito? Hindi ba't ang mga manunulat din?

             "Mahirap maging isang manunulat," iyan ang mga salitang namumutawi sa aking labi. Bigla na lamang nilipad ng hangin ang aking isipan at nawala ako sa aking huwisyo. Nagtaka ako kung bakit ako pumipindot sa tekladong ito. Kung bakit ito ang larangan at kategoryang aking napili. Napuno ng ideya ang aking balintataw, ngunit isa lamang ang tumatak sa aking pluma.jpguso't isipan. Nandito ako dahil gusto kong makatulong sa ibang mamamayan, dahil gusto kong umambag at magbigay ng malaking kontribusyon sa lipunan, at nandito ako dahil nais kong ipagmalaki ang tubig ng nananalantay sa aking katawan at ipagmalaki ang dangal ng lahi ko-ang lahing manunulat.
 

                          

2 comments:

  1. bkit po hindi naka publish yung aking article
    ako po yung 1st place dun..

    ReplyDelete
  2. asan din po pala yung png secondary?.

    ReplyDelete