Tuesday, November 9, 2010

Mga gawain para sa mga sakunang dumarating

                Mga gawain para sa sakunang dumarating                                                                                                                                      EF2 
 
        Marami ng dumaan na sakuna sa bansa tulad ng bagyo. dahil dito may marami ng   ay marami ng namatayan o nasalanta ng bagyo. Una ay magbibigay ako ng mga gagawin natin kung paano natin maiiwasan ang mga ganitong sakuna.maghanda na ng first aid kits para sa mga nasaktan ay may magagamit panggamot.maghanda na rin ng flashlight para kung saka-sakaling mag brown-out ay may magsisilbing ilaw.kailangan ay mayroon ka na ring nakahandang battery para sa flashlight na gagamitin.  kung walang flashlight ay ihanda nalang ang kandila at posporo.Para naman sa mga mahalagang gamit na nasa baba ng inyong bahay,ay pwede na ring iakyat sa taas para hindi maputikan ng baha.
      Sa mga bata ay dapat wag lumangoy sa baha . dahil kayo ay magkakasakit.  Makinig na rin ng mga balita sa radyo o telebisyon.  Maghanda ng battery para naman sa radyo na gagamitin .Kung sakaling kayo ay magkahiwalay-hiwalay, ngayon palang  ay maghanda na ng mapa at mag-usap kung saan mag-kikita o magkakatagpo pag-nagkahiwalay.  Kung alam ninyong may bagyong parating at malapit kayo sa mga ilog ay magsimula ng lumikas , dahil aapaw ang tubig at babahain kayo.
      Para naman sa mga nasusunugan ay bago umalis ng bahay ay siguraduhing nakatanggal ang mga sasaksakan , dahil kung ang kapitbahay nyo ay nasusunugan ay madadamay kayo dahil may nakasaksak pa.  Wag din hayaang mag laro ang mga bata ng apoy,  dahil posible din na kayo ay masunugan.  Wag maglagay ng kadilang may nakasinding apoy malapit sa inyong mga kortina. Dahil pag dumapo ang kortina sa apoy ay masusunugan din  kayo , dahil madaling masunog ang mga kortina.
    Sa loob ng bahay ay pataying mabuti ang apoy sa stove dahil pag ito ay umaapoy-apoy pa ay posibleng lumaki ito at masusunog ang bahay nyo.kung nakita na ninyong umaapoy na ang niluluto nyo ay simulan ng tanggalin ang apoy.Buhusan ng tubig . Kung kayo may mag-iihaw ay wag masyadong palakihin ang apoy. Dahil kung kayo ay nasa labas ay magkakaroon ng polusyon dahil sa apoy .Sa  mga bata naman , kung magluluto kayo ay magpatulong sa mga nakakatanda , tulad ng inyong mga magulang.dahil maaaring hindi pa masyadong marunong mag-luto ang mga bata . Kung kayo ay magsusunog ng mga tuyong dahon ay wag na, dahil kayo ay maaksidente . lalo na ang mga matatanda. Itanim nalang sa ''compost pit'' at gawing pataba sa mga halaman. 
       Mahalaga talagang handa kana kaagad bago magkaroon ng sakuna , tulad ng bagyo at sunog. Para hindi na matulad ng dati , ay maraming tao ang hindi handa sa mga parating na sakuna. kaya tayo na at gawin ang mga gawain para makaiwas sa sakuna.
                                                                                                  




No comments:

Post a Comment