Tuesday, November 9, 2010

Ligtas Na!

                                                                                                                                                  EF3    
                                   
                                                                                  
 Nagdala  ng baha sa ating bansa.     
                 Kasabay ng pagguho ng lupa na nagpalibing sa mga inosenteng tao.Siksikan sa mga evacuation center at naghihintay sa rasyong pagkain na magpapabusog sa kumakalam na sikmura.Hanggang kailan ba natin ito mararanasan?                                                                     Paghahandang kinalilimutan
 Sa patuloy na paglipas ng araw,maraming kalamidad ang ating nararanasan.Kailangan ay maging handa.Lahat ng bagay ay nakaimpake na pati ang emergency kit na naglalaman nag mahahalagang gamit.Isaayos ang tirahan kung ito ba ay liliparin ng malakas na hangin.Maging alerto sa bawat oras. Makibalita sa radyo at telebisyon gayun din ang sa dyaryo.Lagyan na ng baterya ang mga radyo at baka mawalan ng suplay ng kuryente.Nang sa ganun ay may makalap na impormasyon ukol sa kalamidad.Maging ang mga makabagong teknolohiya ay magagamit rin sa pagku ha ng kaukulang imparmasyon.
Magsisiguro sa takdang araw
                     Laging magsiguro sa inyong tahanan,kung nasa tabing ilog ay marapat na lumikas upang ang hindi mailagay sa kapahamakan.Lagyan ng load ang mga cellphone nang sa gayon ay magkaroon ng komunikasyon sa mga kaanak
Pananalig sa Diyos
                    Kung nasa bingit na ng kamatayan,wag magdeliryo.Magdasal sa Poong Maykapal.Tanging ang dasal lamang ang magsasalba sa kapahamakan.Dapat ay may tiwala sa sarili at huwag mawalan ng lakas ng loob.      

                    Ilan lamang iyan sa mga paalala kapag may dumating na kalamidad sa ating bansa.Kung may iba kayong istratehiya sa pagsagipsa inyong buhay ay maganda.Basta't manalangin lamang sa Paninoon upang ang ganitong pangyayari ay maiiwasan.May kasabihan nga na Nasa Diyos Ang Awa,Nasa Tao Ang Gawa.

No comments:

Post a Comment