Tuesday, November 9, 2010

MAG-INGAT,MAGHANDA,MAGKAISA

                                                                                                                                               EF9
                   Mag-ingat,Maghanda,Magkaisa,Ipahayag!
       Kaysarap ng buhay,tahimik,tila nasa paraiso.Ang mga magagandang tanawin ay sadyang kahali-halinang pagmasdan.Ang pakikihalubilo sa bawat tao ay tunay na kawili-wili.Ang ating buhay ay sadya namang kaysaya.Ngunit paano kung isang iglap ay magbago lahat ng ito?Paano kung bumulagta ang balitang maraming tao ang nasa bingit ng kamatayan dahil  lang sa isang sakuna?Babakas pa kaya ang matamis na ngiti sa ating mga mukha?May abilidad kaya tayo upang itoy hindi na muli maulit?May paraan pa ba?
         Ang buhay ay tunay na kaysarap.Ang mga tao ay tahimik na naninirahan sa ating bansa, simple,masaya at walang inaalalang problema.Ang iba ay binabaon ng panandalian ang kanilang mga problema upang lumigaya ng kahit konting panahon.Ang ating pakikipagkaibigan sa mga tao ay kasiya-siya.Ang bawat tao ay naghahanapbuhay upang mamuhay ng maayos.At sa araw-araw na ating pakikisalamuha sa tao ay nagbibigay sa atin nga kasiyahan.Hindi maipagkakailang kaysaya at kaysarap ng buhay sa mundo.

  Tunay ngang kayligayang mabuhay sa mundo.Ngunit sa likod nito ay mayroong sakunang nakaamba.Ang tahimik at maayos nating pamumuhay ay kaya nitong gambalain sa isang iglap lamang.Ang masayang pamayanan ay kaya nitong sirain.Ang mga ari-arian ay kaya nitong wasakin sa kaunting saglit lamang.Ang mga panananim ay hindi maaring hindi palampasin.Ang pinakamasaklap ay kayang-kaya nitong paslangin ang mga mamamayan.Sadyang nakakapangilabot at tunay na mabagsik ang isang sakuna.
          Noong ika-26 ng Setyembre,taon 2009,biglang sumulpot ang isang bagyong nagngangalang "Ondoy".Ito ang nagmistulang pangamba ng bawat tao.Bawat tao ay nangamba sa maaaring mangyari sa kanila.Ang iba ay lumisan na sa kanilang mga lugar upang makaiwas.Unti-unti nitong nilamon ang mga tao sa baha.Ang mga pananim ay unti-unting nawasak.Bawat tao ay wala ng ibang ginawa kundi ang magdasal at iligtas ang kanilang mga sarili maging kanilang kapwa.Nagdulot ito ng pasakit at hirap sa loob ng 9 na oras.Walang hinto ang pag-ulan at hindi naiawasang  magkaroon ng taong binawian ng buhay.

      Ngunit sa sakunang ito,hindi nagpatalo ang bawat Pilipino. Pagkakaisa pa rin ang nangibabaw.Nagtulong-tulong ang mga Pilipino upang makaligtas sa tradedyang ito.Inisip nila ang kapakanan ng bawat isa.Hindi sila nagalinlangang sagipin ang bawat isa.Punong-puno sila ng determinasyon at tapang sa kagustuhang makaligtas.Kung anu-ano pa ang paraang ginamit ng mga Pinoy.Ang pagkakaisa at pagtitiwala lang ang nagligtas sa ibang mga mamamayan.
           Ito ang mga paraang ginamit upang makaligatas sa bawat sakunang naganap.At ang paraang pamamahayag ay isa sa paraan upang ito'y maituro.Ngunit sadya namang pag-iingat, paghahanda,pagkakaisa,at pamamahayag ay ang paraan upang iwasan ang anumang sakuna.Subalit kahit na anong mangyari o anumang sakuna pa ang dumating ay hindi matitinag ang samahan ng bawat Pilipino.
      

 

No comments:

Post a Comment