Tuesday, November 9, 2010

Kalamidad: Handa nang Harapin

                                       

                                                        Kalamidad: Handa nang Harapin                                      EF 5


 
 
   
             Bilang isang manunulat ang gagawin ko ay patuloy na magsusulat at magsasalaysay para inyo upang kahit papaano malaman ang mga nangyayari at mga pagbabago sa ngayon.
            Sa panahon natin ngayon na may pagbabago na ang klima nang ating mundong tinitirahan hindi nakakagulat na mga kalamidad ay magsadatingan,hindi gaya noon na wala pang pagbabago ang klima nang ating mundo.
May mga paraan upang ang mga kalamidad ay mapaghandaan, mayroon tayong mga ahensya tulad nang PAGASA na siyang nagbibigay babala ukol sa mga paparating na mga kalamidad
            Heto ang ilan sa mga babalang iyon:
Bago sumapit ang anumang kalamidad:
1 Mag-imbak nang mga de lata o iba pang madaling makain, upang hindi magutom sa panahon nang tag-gutom.
2 Maghanda nang mga flashlight at mga baterya nito o kaya naman mga kandila at posporo,maaari mawalan nang kuryente.
3 Siguraduhing nakumpuni o naayos na ang bubong at kisame nang bahay, dahil baka matangay nang malakas na hangin.
4 Makinig sa mga anunsyo sa radyo at telebisyon, upang malaman ang mga bagong balita ayon sa nasabing kalamidad.
5 Mag dasal sa Panginoon para sa kaligtasan nang pamilya.
Habang sumasapit ang kalamidad:
1 Manatili sa isang ligtas na lugar.
2 Mag dasal muli sa Panginoon na sana ay tumigil na ang kalamidad na dinaranas.
At pagtatapos na ang anumang kalmidad:
1 Tumulong sa pagsasaayos nang lugar na nasalanta.
2 Muling magdasal sa Panginoon at magpasalamat dahil natapos na ang naranasang kalamidad.
     Naibigay ko ang ilang mga paraan at babala bago,habang at sa pagtatapos nang anumang kalamidad,at kung mapapansin ninyo na bago,habang at sa pagtatapos nang anumang kalamidad laging may pagdarasal. Alam ko kasi bilang isang manunulat na ang Diyos lamang ang may kapangyarihan sa lahat.
            Bago ako magtapos nais kong ibahagi itong isang tula mula sa royalprincerpineda.multiply.com/journal nagagalit ang langit, nagbabadya ng unos sa bawat segundo padilim nang padilim, hanggang sa biglang may liwanag na pumunit kasunod ang isang dagundong na kulog na paulit ulit ang langit at kumulog,nagsimula na ang biyaya ng tubig –ulan.
            At sa pagtatapos sa artikulong ito sana ay naramdaman ninyo sa puso na nagpapasalamat ako dahil sa pagkakataong ito.

 

No comments:

Post a Comment