Tuesday, November 9, 2010

Pag-asa sa Kinabukasan

                                                                                                                             EF11


       Handa nga ba tayo sa mga sakuna?
       Ano ang gagawin natin kung may dumating na mga sakuna?
Paano na nga ba?
        Maraming mga sakuna ang dumadating dito sa Pilipinas. Isa na dito ang  mga bagyo. Bago dumating ang bagyo panitilihinnating handa ang ating pamilya. Pagsamasamahin ang mga gamit naimportante at iwasan itong mabasa.
        Maraming namatay at bilyun-bilyong piso ang napinsala dahil sa mga bagyong dumadating  at dahil sa ating kapabayaan. Wala tayong dapat sisihin kundi tayo rin. Ikaw at ako. Nagpabaya tayo. Mga plastic na basura ay itinapon natin sa maling lugar katulad sa mga ilog, sapa, kanal, estero. Alam naman nating lahat na ang plastic ay hindi natutunaw hindi katulad ng papel. Mapahigit isang daang taon ang lumipas ito ay hindi natutunaw. Tingnan ninyo ang mga sakunang nangyare dati. Dahil sa baboy tayo at hindi  natin ito inalagaan,  binaboy din tayo ng Kalikasan. http://banderablogs.wordpress.com/2009/10/16/paano-maiiwasan-ang-sakuna-sa-kinabukasan/

Maaring gawin kapag may sakuna:
  •  Mag handa ng mga gamit na pedeng dalhin kapag may biglaang sakuna 
  • Pagsama-samahin ang mga papeles upang hindi ito mawala at iwasan itong mapunit o mabasa

        Mga punong tumutulong sa atin kapag may mga sakuna na dumadating sa ating bansa ngayo'y kalbo na. Ganito ba talaga ang kailangan natin igante? Sa lahat ng tulong na ibinigay nila. Hindi naman ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno ngunit pati mga batang puno ay pinuputol na din nila. Hindi man lang nila pinapaltan ng bago ang mga puno nilang pinutol. Ang mga puno ay may damdamin din. Bakit hindi natin ito pakinggan? Nais lang naman nilang tumulong sa atin. Sa halip na magpasalamat tayo, binababoy lang natin ang mga ito. Pano kung maubos na ang mga ito? Sino ang dadamay sa atin kapag may dumating                                                         na mga sakuna katulad ng bagyo?

         Mga ilog ay napabayaan na. Mga tao ay patuloy na nagtatapon ng mga basura sa mga ilog at kung saan saan. Mga isda ay namamatay dahil sa mga dumi na nakakalat sa mga ilog. Isipin naman natin ang kapakanan ng kalikasan. Huwag puro sarili dahil sa huli tayo din ang magsisi. Wala tayong makakain na pagkain kung mamamatay ang ating kalikasan. Pano tayo mabubuhay kung ganito ang sitwasyon.

        
         Mahirap ba magtulungan upang maiwasan ang mga ito. Tayo din naman ang makikinabang. Para sa akin, iwasan na natin ang pagtatapon ng basura sa mga ilog, itapon ito sa tamang lagayan. Sumunod sa mga patakaran  na binibigay ng nakakatanda sa atin. Huwag natin hayaan na magpatalo tayo sa mga sakunang dumadating. Kung ang lahat ng tao ay magtutulungan walang magkakasakit. Alalahanin nating lahat na ito ang nagbibigay buhay sa atin. Kung wala ang mga puno, ilog, hangin,tubig at kung anu-ano pa hindi tayo mabubuhay ng matiwasay.Panatilihin nating malinis ang kalikasan upang tulungan tayo ng Diyos sa mga sakunang dadating.  Ang sakuna ay maaring dumating ng walang babala kaya panatilihin nating handa ang ating sarili anu man ang dumating.


          Kaagapay natin ang mga taong ito na tumutulong sa atin upang malaman natin ang sitwasyon ng ating bansa at kung may dadating na mga sakuna. Manatiling manood at makinig ng mga balita upang tayo ay makapaghanda.

          Tayo mismo ang makakapag-alaga ng ating buhay. Tayo mismong nakatira sa komunidad ang makakapag-alaga ng buhay natin. Ang bawat isa sa atin ang pangunahing miyembro ng samahan ng pag-iingat sa sakuna.


                

No comments:

Post a Comment