Tuesday, November 9, 2010

Kumilos ka na

EF4    Final

Magbantay.  Magbabala.  Maghanda.

Marami nang nangyayaring mga sakuna at kalamidad sa Pilipinas.  Noong 2009 nga, ang Pilipinas ang nangunguna sa listahan ng mga bansang tinatamaan ng sakuna.  Dahil dito, umaaksyon na ang mga tao upang maging mas handa sa mga kalamidad.


Ang Pamahalaan

Dahil natuto na gobyerno sa pagdating ng Bagyong Ondoy, ginawa na nila ang mga sumusunod:

Dinagdagan na nila ang mga bangkang magagamit para sa mga baha.  Dinagdagan din nila ng pondo para sa paghahanda para sa sakuna.  Mas tama na rin ang mga balita ng PAG-ASA sa atin.

Sa pamamagitan ng paraang ito, mas mapaghahandaan na natin ang mga sakuna.
 
Sa pamamagitan ng paraang ito, mas mapaghahandaan na natin ang mga sakuna.

Ako Bilang Mamahayag

Ang mga nabanggit ay ang mga ginawa ng pamahalaan.  Ngunit ano naman ang aking aksyon bilang isang mamahayag?

Bilang isang masigasig na mamahayag, ako ay magbabantay upang malaman kung mayroong sakunang maaaring mangyari sa Pilipinas.  Aalamin ko ang mga panganib na maaaring maganap dito.

Sa tulong ng mga datos na aking makukuha, ako ay magbabala sa mga tao upang sila ay maging handa.  Gagawin ko ito sa pamamagitan ng pagsusulat tungkol sa kung paano makapaghahanda para rito. 

Magiging handa na ang mga tao para sa sakuna dahil sa aking ulat.
  
Kumilos na ako at ang gobyerno.  Kaya ano pa ang hinihintay mo? 

Kumilos ka na.

Mga Sanggunian:

Mga Sanggunian ng Mga Larawan:
http://www.flickr.com/

No comments:

Post a Comment