Tuesday, November 9, 2010

Mamamahayag, Laging Kaagapay sa Kalamidad!

                                                                                                                                                         EF6
Tingnan ang buong laki ng larawan         Sa bawat araw sa ating mundo ay laging may nangyayaring mga kalamidad at hindi natin ito maiiwasan. May mga taong laging naandiyan para tumulong sa atin kahit na magbuwis pa sila ng mga buhay. Ito ang mga mamamahayag na nagtitiyagang paglingkuran tayo ng buong puso at isipan at walang pag-aalinlangan. Sila ay nagpupursiging magbalita lalo na sa pagdating ng kalamidad para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. 



        Tinutulungan nila tayo na maging handa sa pagdating ng mga kalamidad sa paraan ng pagbibigay nila ng impormasyon tungkol sa kalamidad kaya naman minsan na lamang masalanta ng lubusan ang ating bansa sa panahon ngayon. Naipamalas na nila ang kanilang angking galing sa panahon ng mga pagsalanta nila Bagyong Juan, Santi, Ondoy at Pepeng. Sa panahong iyon, maraming kabuhayan, ari-arian at buhay ang nawala. Pagkatapos ng pagsalanta nito, kahit na pagod at gutom ang abutin nila, ayan sila, tulong dito at tulong doon.


      Natutulungan din nila tayo kapag may kalamidad sa pagbibigay ng mga dapat gawin tulad ng pagtigil sa bahay kung hindi naman kailangang lumabas kapag may kalamidad upang walang maaksidente kapag nanalanta na ang kalamidad, pag-iimbak ng mga dilata para may makain kapag hindi pwedeng makapagluto, pagbili ng mga baterya ng flashlights at kandila upang may magamit silang ilaw kapag nawalan ng kuryente, paghahanda ng mga kumot upang hindi lamigin at pakikinig sa radyo at panonood ng telebisyon kung may ilaw upang maging handa at alerto.Ilan lamang iyan sa mga pinagagawa ng mga mamamahayag upang hindimasalanta ng mga kalamidad.



 
Tingnan ang buong laki ng larawan          Isang malaking bagay ang naitutulong ng mga mamamahayag sa buong mundo at sa ating bansa hindi lamang sa kung anong nagyayari kung hindi pati na rin ang pagiging handa nating mga tao sa pagdating ng mga kalamidad at sakuna. Minimithi nila na sana laging handa ang mamamayang Pilipino sa pagdating ng iba't ibang kalamidad. Kaya naman nararapat nating igalang, respetuhin at huwag maliitin ang mga mamamahayag dahil siguro
                                kung wala sila baka wala tayong alam na
                                nangyayari sa ating mundo. Kaya nga
                                ang mga mamamahayag
                                ay tinaguriang laging kaagapay lalo na sa
                                kalamidad!

No comments:

Post a Comment